Hay naku. Parang ayoko na yata mag-aral. Tinatamad na ako. Bakit ba kasi kailangan gumawa ng project sa kalagitna-an ng Christmas break! May exams pang naghihintay sa amin sa pagbalik aral namin ngayong Enero. Kung wala sanang project at exam, nag-eenjoy sana ako ngayon. Nag-enjoy rin naman ako pero di talaga maalis ang pag-aalala..ang pangagamba...na baka hindi ko magawa ang mga bagay na dapat kung gawin. Araw-araw kong iniisip at pinag-aralan kung ano ba dapat gawin sa project namin. So far, OK naman. May nagawa na ako pero di pa talaga kumpleto. Ang hirap kaya mag analyze ng isang sculpture. Buti sana kung painting, eh hindi.
Sana tulungan ako ni Bro..sana nga talaga.
Parang gusto kung tumigil sa pag-ikot ang mundo and at the same time gusto ko January 7 na para tapos na lahat. Pero hindi eh. After January 7 eh may mas marami pang naghihintay na challenge sa amin. Alam ko. Marami pa akong dapat matutunan...mahaba pa ang lalakarin.
Pagod na ako pero sige lang, go lang ng go. For we all know na ganito naman talaga ang buhay, diba?
Don't stop when you're tired. Stop when you're done.
Love,
me, myself, and i
Monday, December 28, 2009
For all we know... ;-)
Posted by Giselle at 5:55 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment